Wednesday, April 25, 2007

Gusto Kitang Ipaglaban...

Gusto kita ipaglaban...

Hindi kita kayang tiisin. Hindi ok ang feeling kapag hindi kita nakakausap o nakikita man lang. Gusto ko lagi kitang nakikita, naririnig na tumatawa.

Gusto Kitang ipaglaban...

Nagre-rewind sa utak ko yung mga thoughts na gustuhin man kitang mahalin eh hindi pwede kasi maraming hadlang. Maraming dahilan na hindi ko alam kung dapat paniwalaan.

Gusto kitang ipaglaban...

Kahit magmukha akong tanga. Kahit pagtawanan nila akong lahat sa maling akala na firm ako magdesisyon. Pilitin ko mang i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay pero ikaw pa rin ang nasa utak ko, nasa puso ko. Para kang linta na hindi maalis sa isip ko...

Gusto kitang ipaglaban...

Alam kong sa bandang huli ako rin ang masasaktan. Ngayon pa lang hndi na ako mapakali mawala ka lang saglit sa tabi ko. Ano pa kaya kapag wala ka na talaga? Kapag milyon-milyong tubig na ang pagitan natin. Kapag tuluyan na tayong maghiwalay...

Gusto kitang ipaglaban...

Pero bakit hindi mo ako kayang ipaglaban...

2 comments:

´¯)»¥äWå$âP«(¯` said...

Sa buhay natin, minsan, hindi mo alam kung alin ang susundin.
Minsan, akala mo, in love ka. ‘Yun pala, init lang na gustong umalagwa!
Kaya hanggang kaya pa, sige, tira lang nang tira!
Sa huli, sorry na lang?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Kay sakit kung ang iyong iniirog ay ika'y nilisan
Ikaw ba'y magmumukmok? o di kaya'y sisigaw?
Kay lupit ng panahon kung ang iyong mahal ay lumisan
Ikaw ay pinagpalit nang hindi mo inaasahan

Kailangan bang iyakan ang taksil na minahal?
o kaya'y tawanan ang sinapit na kabiguan?
Tama bang harapin na lang ang katotohanan
At gawin itong isang karanasan sa hinaharap na kinabukasan

Mag silbi sana itong aral
Maging totoo sa minahal
Huwag sana itong parisan
Ng hindi na ulit masaktan....

glenn gamat - daluz said...

apir! oo nga minsan nde mo talaga alam kung ano susundin mo.. pero minsan dapat sundin mo kung ano ang sinisigaw ng puso't isipan mo.. J

ooppsss.. nde sorry.. kze kahit alam mong talo ka...sumugal ka!