Monday, April 16, 2007

Ferris Wheel

Ang tagal ko na pa lang inilalayo ang sarili ko sa mundo. Ang dami na kasing nangyari sa buhay ko kaya nawawalan na ako ng tiwala dun sa tinatawag nilang pag-ibig. Ang daming beses ko na ring nabaliw dahil sa bwisit na pagmamahal na yan. Ang daming beses ko na rin umiyak, nadurog ang puso, tinapak-tapakan ang sariling pride dahil lamang sa pag-ibig. Ayoko na yatang magmahal muli dahil pagdating sa huli, alam kong ako na naman ang masasaktan, iiyak, magpapakatanga at madudurog ang puso.
Katulad ng isang ferris wheel, sa simula lamang masaya. Magsisimula sa ibaba, mabagal at unti-unti kang dadalhin sa itaas. Mapapansin mo na lamang na tumigil na pala ang pag-ikot nito. Wala ng lakas upang muling umikot. Akala mo hindi ka na makakaalis pa sa iyong kinalalagyan. Pero patuloy lang ang pag-ikot ng ferris wheel ng pag-big. Umiikot muli at binibigyang direksiyon ang buhay. Dahil ano pa man ang mangyari mayroon ka pa ring halaga, kelangan mo lang makita.
Ganun nga yata talaga ang pag-ibig. Hinahanap-hanap natin ang sakit para manatiling buhay. Mas ok na rin siguro yung alam mong minsan, eh may ginawa kang walang hinihintay na kapalit…at least kahit paano sumakay ka sa ferris wheel ng pag-ibig…

No comments: