Thursday, June 28, 2007

At kung kelan???...Hindi ko alam...

Bakit pa natin kailangan magkita? Bakit pa natin kailangan magkakilala kung mawawala ka lang din naman? Bakit pa kailangan magsabi ng hello, if in a while you’ll also say goodbye?

Bakit ganon hindi ka naman pala magsta-stay. Sana hindi ka na lang dumating. Hindi ko alam kung anong reason bakit ka pa nilagay sa buhay ko. Mabuti sana kung pag-alis mo eh babalik ako sa dati kung paano ako nung wala ka. Kaya lang hindi eh. Alam mo na kapag nawala ka, hahanap-hanapin kita. Dati, wala akong paki-alam kung wala akong kausap o ka-telebabad sa telepono? Wala akong paki kung hindi ka magtext. Normal ang buhay ko. Pero nung dumating ka, nagkaroon ng konting kulay. Natuto akong magpuyat dahil magkausap tayo sa telepono. Natuto ulit ako tumawa ng malakas dahil sa mga kwento mo. Natuto ulit ako kung paano magmahal.

Pero bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Bigla tayong nagising sa katotohanan na mas pinili nating parehas na lang maging malaya. Na may kanya-kanya tayong dahilan kung bakit hindi pwedeng maging “tayo”.


Everything has been said and every decision has been given. I may not be there anymore but a part of me will always stay with you…

2 comments:

Anonymous said...

Hay naku.. may ganyan talaga.. ahehehe.. i couldn't say more..

"been there, been that" LoL

Anonymous said...

Simple lang.

"People just come and go."

Experience-wise.