Araw Ko Ngayon!
Feeling ko nung nagsabog si Lord ng kamalasan ako lang gising. Eh hindi na ako nilubayan simula pa kaninang madaling araw. Eh bakit kamo... Ito basahin mo..
1. 1:09am nagising ako sa iyak ng baby ko. Anything na mahawakan nya hinahagis nya. Feeling ko nanaginip kasi habang hinahagis nya yung mga stuff toys and pillows sa tabi nya nakapikit siya at naiyak. Nakakainis kasi hindi ako makatulog tapos gigising pa ako ng 6:00am para pumasok. Kaya malamang antok na naman ako nito sa office.
2. On my way sa terminal ng jeep biglang sumuka yung bata sa tabi ko. Buti naiwasan ko siya pero pagtingin ko sa laylayan ng slacks ko yuckiness!!! May konting talsik ng suka ng bata. Feeling ko umakyat yung dugo sa ulo ko. Gusto kong sigawan yung ale pero naisip ko what if sa akin mangyari yun biglang sumuka din si Cyrill sa biyahe. O diba kaya nasabi ko na lang dun sa ale.. "Ale, next time wag mo papainumin ng cold drinks yang anak mo sa umaga.. eh hindi pa yata nagbe-breakfast yung anak mo pinainom mo na agad nyan! tsk! tsk!
3. Nasa terminal na ako. While waiting mapuno yung sasakyan kinuha ko yung fone ko to check kung may message at meron nga. Opening.... "Momsy Glenn Magandang Umaga!" Sa inis ko denelete ko agad yung message nya. Nakakainis sinabi ko ng wag akong tawaging mommy or momsy dahil hindi kita anak! Si Cyrill lang ang pwede tumawag sa akin ng mommy OK! Anak ng pitong kuba ang kulit!
4. Pagdating ko sa office, swipe ng ID. Nyeee! 8:22am na. Nagmamadali akong maglakad papunta sa building namin take note nasa 4th floor kami and wala man lang elevator so mega akyat ang lola mo sa hagdan. Tahimik masyado kasi wala ng tao sa 3rd floor medyo nakakatakot tingnan kasi para siyang inabanduna. Derecho lang ako sa paglalakad kasi nga ayoko makita tapos biglang may lumabas sa cr ng lalake sa tabi ng room. Waaah! Nagulat ako yung supervisor pala namin. Kinabog tuloy ang dibdib ko akala ko may monster na. Yun pagdating ko sa 4th floor bigla ng nagdong-dong 8:30am na wala ng time para magbreakfast. May baon pa naman akong choco bang-bang na pagtingin ko sa bag ko pichat na!
Kaya ito dinaan ko na lang sa paggawa ng entry na ito. Wala ako sa mood magwork. As in nagugutom na ako. Hindi naman pwede kumain sa place ko. Saka baka makita ako ni Damulag yung boss kong japanese eh sitahin ako. Kaya itoh.. "coffee na lang dear" ang drama ko.
Sana after ko i-post ang entry na ito, wala ng kamalasan akong ma-encounter. Kung meron man baka "araw ko nga ngayon!"

No comments:
Post a Comment