Jologs Ka Ba???
Mga nakakahiyang katotohanan sa buhay ko. Pero siguro this is the time para maisiwalat naman yung iba heheheh! Here’s my kabaduyan ever!
Favorite naming panoorin noon ang Batibot, Eh kasi Bata!, Pen-Pen de Sarapen, Shaider at Takeshi’s Castle. Favorite ko namang kantahin ang Eternal Flame, All This Time and Lost in Your Eyes. Dito na-discover na may talent pala ako sa pag kanta. (ehem!) Lagi akong kasali sa mga dance and song presentation sa school noong elementary ako. Sinayaw namin ang Like a Prayer, Let’s Twist Again and Stars. Naalala ko grade 3 ako noon nung kinanta ko ang Bayan Ko. Member din ako ng Drum and Lyre Band. Yuckiness! ang costume namin parang table cloth… yung parang mga damit ni Kuya Germs sa GMA Supershow. Yuck! Noong first year high school naman, kinanta ko ang “Ako ay Pilipino” sa Linggo ng Wika! This is it. Shining moment ko yon ever!
Debbie Gibson
Favorite ko rin panoorin noon ang That’s Entertainment, Perfect Match, Love Notes, Star Drama Presents, Palibhasa Lalake at Tropang Trumpo (chicken!) O di ba jologs!
Iyakin ako sa mga pelikula. May pagka-drama queen din ako. heheheh! Mas lalong malala kapag nalaman nyo kung ano yung movie na iniyakan ko hehehe!. Yung Love Notes the Movie yung episode ni Vina Morales and Gary Estrada and Magnifico ni Jiro Manio. Yung ibang movie nalimutan ko… sabi nga sa song “oh oh oh saaad movies always make me cry…”.
Love Notes the Movie
Magnifico
Hay naku marami pa yan kaya lang nakakahiya talaga i-share. Nakakatuwa lang balikan yung mga nakaraan. Sobrang jologs di ba? Bakit wala namang masama sa pagiging jologs? Aminin mo na jologs ka din!
No comments:
Post a Comment