Pantry
Isa ako sa mga taong malimit na nasa silid na ito. Sa bawat pagpasok ng mga tao dito ay maraming kwentuhan, tawanan, chismisan, awayan at iyakan ang nadidinig ng munting silid na ito. Kapana-panabik ang bawat sandali ng pagtigil dito. Lalo na kapag may mga bagong palabas sa telebisyon, bagong pelikula, bagong kanta, bagong gadget at kung anu-ano pang bago.
Nakakatuwang isipin na dito nabubuo ang mga pagkakaibigan na daig pa ang magkakapatid ang turingan lalu na kapag breaktime. Share your blessings! ang pinaka- importanteng rule sa loob nito. Kailangan ma-experience ng bawat isa ang lasa ng pagkain mo. Kung minsan kailangan hating-kapatid lalu na kapag may pasalubong ang mga Japanese.
Hindi ko alam kung anong meron sa loob nito. Ang alam ko lang sa pagdating ng panahon na ako’y umalis dito, isa ang pantry na magsisilbing alaala ng mga masasayang araw ko sa HRD.